25 September 2008

Astig ang Comsci

Wala akong maisip ipost. Ayos diba? Pero nakita ko ang blog ni Cudia na sobrang lupet. Kung gusto niyo puntahan, eto: atomicheartbomb.blogspot.com. Yeah.

11 September 2008

Mga Taong Nililibre Mo Na Walang Utang na Loob

Ayaw ko sa mga kumag na araw-araw mong nililibre ng funchum, binibigyan ng pera, pinapakagat sa 8 pesos per piece mong siomai, pinapautang pero kapag ikaw naman ang nangutang, fina-fivesix ka. Bad Trip talaga. At plano ko na tadtarin sila ng blog comments buong gabi. BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!

10 September 2008

Barrelman...ano ba ito?

Base sa definition ng Wikipedia nito, ang barrelman ay "souvenir doll or statuette popular in the Philippines. The statuette usually consists of a crude male figurine carved out of wood, partially hidden inside a round wooden barrel. When the barrel is taken off, the male figure inside is revealed, sporting a prominent phallic protrusion in the lower part of the figure's anatomy"
Kung gusto mo ng picture, puntahan mo to': http://en.wikipedia.org/wiki/Image:Barrel_man_revealed.jpg

Ang barrelman ay sobrang astig. Sobra.

Nagkaroon kami ng field trip noong elementary sa Paete, Laguna. Sari-saring mga wooden items ang makikita rito: upuan, mesa, pangkamot sa likod at ang pinakamamahal naming barrelman. Para kaming nakakita ng Jollibee (uso pa yun dati) at nagtakbuhan kaming bumili. Yun nga lang naubusan ako. Bad Trip.

09 September 2008

Masayang Mag-Comsci

Alam niyo bang napakarami kong bagsak? Mukha lang akong sobrang talino. Sobra. Ang tanging maaasahan ko na lang ay ang walang kamatayang Computer Science! Lupet ng ComSci. Sobra. At ito ang dahilan:

1. Katabi ko na ngayon si Cudia. Nakakatawa siya. Nakakatawang pag-tripan.
2. Katabi ko si Franco. Cool siya. Napaka-"mature".
3. Katabi ko si Jeff. Okay siya. Pwedeng utusan.

Yeah.

08 September 2008

Bakit Ayaw Ko Mag-Starbucks


Nakatikim ka na ba ng Starbucks? Ako, oo. Ang lupit ng lasa. Parang Manuel Roxas. Kung gusto mo yung lasa, bahala ka na sa buhay mo basta ako ayoko.
Ayaw ko rin sa napakamahal na kapeng ito dahil trip 'to ng mga Conyo. Oo, Conyo. Ang pinakaayaw kong mga tao sa mundo (bukod sa emo at mahilig sa Cueshe). Ano ba ang ibig sabihin ng Conyo? Ang Conyo ay mga kabataang pilipino na hindi bumibili ng pirata, mahilig sa imported, mahilig mag-ingles.

07 September 2008

Pagmumura?

Napakadalas kong magmura. Minsan may dahilan minsan wala. Sa katunayan, 25% o 1 in every 4 words na sinasabi ko ay mura. Napakalala ng bisyo ko. At least hindi ako adik sa bawal na gamot.

Plano ko ngayong itigil itong bisyong ito.

Papalitan ko na lang ng mga mabubuting salita ang aking mga maruruming sinasabi. Legal na lang ang sasabihin ko. Pero sa Lunes na lang magsisimula dahil may mga badtrip akong katabi. Tulad ni Cudia.